Panukalang batas para sa paperless transaction sa gobyerno, lusot na sa Kamara

Panukalang batas para sa paperless transaction sa gobyerno, lusot na sa Kamara

LUSOT na sa third and final reading sa Kamara ang House Bill 6927 o E-Government Act na layuning gawing paperless ang transaction sa gobyerno.

Inatalang nasa 229 affirmative at zero negative ang botohan ng nasabing panukala sa Kamara.

Layon din ng panukala na makasunod ang gobyerno sa ipatutupad na “new normal” ngayong COVID-19 pandemic gayundin ang mapagbuti ang Ease of Doing Business ng bansa.

Inaatasan dito ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang E-Government Master Plan na isasailalim sa review kada tatlong taon.

Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper-based documents at government online payment system.

Samantala, sakop din ng panukala ang pagtatatag ng Government Online Payment System na isang electronic platform kung saan pwedeng magbayad ang mga Pilipino sa government transactions kabilang na ang buwis.

Gagawin na rin isahan o streamlined ang pagbabayad sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Trade and Industry, Securities and Exchange Commission, Cooperative Development Authority, Bureau of Internal Revenue, Social Security System, Home Development Mutual Fund or Pag-IBIG, at Philippine Health Insurance Corporation or PhilHealth.

Matatandaan na noong SONA ng Pangulong Duterte ay hinimok nito ang Kongreso na mahinto na ang  paper-based o paperless na lamang ang mga official transaction at pagpila ng mahaba sa mga tanggapan ng pamahalaan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *