UMAPELA
National

Pansamantalang kalayaan ni Enrile, pinababawi

UMAPELA sina Cagayan Governor Manuel Mamba at dating Buguey Mayor Ignacio Taruc sa Office of the Ombudman.

Nais ng mga itong ipakansela ang pinagkaloob na piyansa kay dating Senator Juan Ponce Enrile.

Si Enrile ay naghain ng kandidatura sa pagkasenador sa 2019 midterm elections.

Taong 2015 nang payagan ng Korte Suprema si Enrile na makapagpiyansa sa kanyang kasong plunder.

Dahil sa kanyang edad at mahinang kalusugan.

Sinabi nina Mamba at Taruc na ang paghain ng Certificate of Candidacy ni Enrile ay patunay na nasa maayos itong kalusugan.

At kasinungalingan ang ibinigay nitong dahilan para payagan siyang makapagpiyansa.

Ayon kay Mamba, ang pagtakbo sa senado ay kailangan ng malawakang kampanya na maging ang mga malulusog na tao ay mapapagod.

Iginiit nito na dapat mapanagot ang dating senador sa kanyang nagawang kasalanan.

Kaugnay nito, sinabi ni Enrile na hindi siya magpoprotesta sa hiling ni Mamba.

Kanya nalang aniyang ipauubaya sa desisyon ng Ombudsman at Supreme Court.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *