30th SEA Game
National

Panonood ng laro sa 30th SEA Games, libre na

MAS lalong gaganahan ang mga Pilipinong atleta na makasungkit ng gintong medalya ngayong libre na ang panonood sa mga laro sa 30th SEA Game.

Ito ang inanunsyo ni PHISGOC Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano matapos ang naging hiling ni Pangulong Duterte kagabi na buksan sa publiko ang mga laro.

Mayroong sampung libong ticket ang ipamimigay para sa mga nais masaksihan ang closing ceremony na gaganapin sa New Clark City.

Nilinaw ni Cayetano na sold out na ang tickets para sa opening ceremony na gaganapin bukas sa Philippine Arena at ang mga larong football, basketball at volleyball.

Umaasa naman si Cayetano na maraming mahahaklot na medalya ang Pilipinas lalo pa’t marami ang makakapanood ng mga laro ng libre.

Laking pasasalamat naman ni Sen. Bong Go sa naging agarang tugon ng PHISGOC sa kanyang suhestyon sa pangulo.

Tiniyak naman ni Sen. Go ang suporta ng pamahalaan sa mga atletang Pilipino lalo pa kung makauwi ang mga ito ng karangalan para sa bansa.

JHOMEL SANTOS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *