pinaniniwalaang meningococcemia
Regional

Panibagong kaso ng pinaniniwalaang meningococcemia, naitala

ISA na namang panibagong kaso ng pinaniniwalaang meningococcemia ang naiulat sa Nasugbu, Batangas.

Ayon kay DOH Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo, ito na ang ikalimang kaso ng suspected meningococcemia na naiulat sa Batangas at ipinadala na aniya ang pasyente sa San Lazaro Hospital mula sa Apacible Memorial District Hospital sa nasabing bayan.

Sinabi ni Janairo na nanatiling inoobserbahan ang 16-anyos na babae at kukuhanan din aniya ito ng specimen para makumpirma kung meningococcemia ang tumama rito.

Bago ito, sinabi ni Janairo na isang 53-anyos na babae mula Tanauan City ang nasawi at nagpositibo sa nasabing sakit.

Mula Setyembre 27 hanggang 29, tatlo rin aniya na iba pang pasyente ang nasawi sa probinsya dahil sa pininiwalaang meningococcemia, kabilang aniya dito ang isang taong gulang na lalaki mula Lian, 2 taong gulang na babae mula Nasugbu at 43-anyos na lalaki mula San Jose.

Sinabi ni Janairo na ilalabas ng Research Institute for Tropical Medical Medicine ang resulta ng specimen ng mga ito sa susunod na linggo.

Kabilang sa mga sintomas ng meningococcemia ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, ubo, sore throat, stiff neck, rashes, bruises, convulsions at pagsusuka.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *