African Swine Fever Tarlac
Regional

Panibagong kaso ng African Swine Fever, naitala sa Tarlac

MAY panibagong kaso ng African Swine Fever ang naitala sa apat na bayan sa Tarlac.

Kinumpirma ni Tarlac Gov. Susan Yap ang pagkakatala ng panibagong kaso ng ASF sa mga bayan ng Victoria, Capas, Concepcion at La Paz.

Nagpositibo sa ASF ang blood samples mula sa mga baboy matapos itong isinasailalim na sa confirmatory test ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory.

Dahil dito, hiniling ng provincial veterinarian ang pagpapatupad ng “1-7-10” quarantine protocol o ang pagkatay sa mga alagang baboy na nasa loob ng 1-kilometer radius ng apektadong lugar, pag-surveillance sa nasa loob ng 7-kilometer radius at mandatory monitory sa nasa loob ng 10-kilometer radius.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *