Anti-Polio Immunization Program
Health

Panibagong bugso ng Anti-Polio Immunization Program, nagsimula na

SINIMULAN na ng Department of Health (DOH) ang panibagong bugso ng malawakang Anti-Polio Immunization Program sa bansa.

Ito na ang ikalawang round ng “Sabayang Patak Kontra Polio” na isasagawa sa National Capital Region (NCR) at Mindanao na magtatagal hanggang sa Disyembre 7.

Sa nasabing programa, lahat ng batang may edad lima pababa ay bibigyan ng oral polio Vaccine (OPV).

Sa Enero, inaasahang magdaraos ng ikatlong bugso ng polio mass vaccination ang DOH sa Mindanao.

DOH, kinumpirma ang ikawalong kaso ng polio sa bansa

Samantala, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III ang ikawalong kaso ng polio sa bansa.

Ayon kay Duque, naitala ang panibagong kaso ng polio sa lalawigan ng Basilan kung saan isang 8-taong gulang na batang babae ang biktima.

Napag-alaman na hindi rin ito nabigyan ng polio vaccine.

Kaugnay nito, muling hinikayat ni Duque ang mga magulang na bigyan ng polio vaccine ang kanilang mga anak.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *