Panibagong bill shock pinatitiyak na hindi na mangyayari ulit ngayong ECQ

Panibagong bill shock pinatitiyak na hindi na mangyayari ulit ngayong ECQ

PINATITIYAK ng isang senador na hindi muling mangyayari ang bill shock sa mga power consumers ngayong bumalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR.

Matatandaan na daan-daang libong mga power consumers ang nakaranas ng bill shock sa unang pagpapatupad ng ECQ noong nakaraang taon.

(BASAHIN: Meralco, pinagmumulta ng P19-M ng ERC kaugnay sa bill shocks)

Ngayong muli namang nakakaranas ng mahigpit na quarantine status ang Metro Manila at kalapit na probinsya ay ilang problema ang hindi dapat maulit ito.

Sa panawagan ni Senator Sherwin Gatchalian ay sinabi nitong hindi na dapat makaranas ng bill shock ang mga consumer o ang biglaang pagtaas ng singil ng kuryente na walang sapat na basehan.

Matatandaan na noong unang maipatupad ang ECQ kung saan ay walang pinayagang makapagtrabaho ay bigo ang Meralco na makakuha o makapagbasa  ng tamang  metro sa mga kabahayan.

Inamin naman ng Meralco ang kalituhang dulot ng pagkalkula nila sa tatlong buwang konsumo sa kuryente mula Marso, Abril, hanggang Mayo noong nakaraang taon.

Hindi raw nila kaagad naipahiwatig na isinama na nila sa billing ng Mayo ang estimang gamit sa kuryente mula Marso hanggang Abril.

Sinabi rin ng Meralco na ang kanilang singil sa mga konsyumer ay base sa average consumption mula Disyembre 2019 hanggang Pebrero 2020 dahil walang naisagawang meter reading sa mga buwan ng Marso at Abril dahil sa ipinatutupad noon na ECQ

Udyok ngayon ni Gatchalian sa mga distribution utility na pangasiwaan ang pagsasagawa ng onsite electric meter reading sa gitna ng pagpatutupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

“Ayaw na nating maulit pa ang kalituhan sa mataas na singil ng kuryente na nangyari noong isang taon matapos ang ilang buwan na pagpapatupad ng ECQ. Kaya dapat may natutunan na ang mga kinauukulan at may mga nakahandang hakbang na upang maiwasan ang bill shock,” pahayag ni Gatchalian.

Apela naman ni Gatchaliam na chairman ng Senate Committee on Energy sa mga local government units (LGUs), lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng NCR plus bubble, na makipagtulungan sa Energy Regulatory Commission (ERC) at Meralco at pahintulutan ang pagsasagawa ng onsite meter reading nang masiguro ang tamang singil ng kuryente sa takdang panahon.

Samantala, sinabi naman ng Meralco na walang holiday break o service interruption kahit pa umiiral ang ECQ para sa kapakanan ng mga power consumers.

Ibig sabihin tuloy tuloy ang pagsasagawa ng metric reading ngayong ECQ

 “Tuloy-tuloy po ang ating metric reading natin Wala Naman po tayong ihihinto nu na operations even during ecq period. Wala pong dapat na ipag-alala ang mga customers ng Meralco. Wala rin aniyang problema ang Meralco pagdating sa mga kakailanganing manpower para sa tuloy tuloy na serbisyo,” pahayag ni Joe Zaldarriaga, Meralco Spokesperson.

“We have enough to make sure na walang magiging problema na concern po sa operasyon natin tuloy tuloy Ang trabaho ng Meralco. Matatandaan na dahil sa billshock ay nakapagbayad ng 17M na fine ang Meralco alinsunod sa kautusan ng ERC,” dagdag aniya.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *