DUMATING
National

Panibagong batch ng repatriated OFWs dumating na sa NAIA

DUMATING na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang panibagong batch ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na na-repatriate mula sa Dubai.

Lulan ng Philippine Airlines Flight PR 659 ang binubuong 109 na mga OFW mula Dubai na lumapag sa NAIA Terminal 2 kaninang umaga.

Sinalubong naman sila ng ilang kinatawan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Para alalayan ang mga naturang OFWs sa proper documentation sa immigration.

Ang naturang bilang na mga OFW ay pagkakalooban ng pamahalaan ng tig-P5,000.

At sasagutin din ang kanilang pamasahe pauwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

 

Ulat ni: Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *