Panibagong batch ng mga OFW mula Lebanon, nakatakdang dumating bukas

Panibagong batch ng mga OFW mula Lebanon, nakatakdang dumating bukas

NAKATAKDANG dumating sa bansa ang panibagong batch ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula bansang Lebanon bukas Setyembre 26.

Ito ay isang buwan mula nang mangyari ang malagim na pagsabog ng Beirut Port na ikinasawi ng mahigit 130 katao kabilang ang apat na Pinoy at ikinasugat naman ng 5, 000.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) inaasahan ang pagdating ng tinatayang 300 OFWs bukas, Setyembre 26 na lulan ng Philippine Airline.

Inaasahan namang lalapag ang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport ng alas nuebe ng umaga sa nasabing araw.

Ayon sa PAL ang chartered flight ng DFA ay nakatakdang umalis mamaya ng alas tres ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano patungong Beirut na susundo sa mga OFW.

Ang repatriation flight na aalis mamaya ay may dalang mga ayuda na handog ng Lucio Tan Group kabilang dito ang 27,500 face shields, 3,000 boxes of disposable masks at 1,000 boxes ng Vitamin C.

Ang nasabing mga ayuda ay ipagkakaloob sa mga OFW sa Lebanon.

Ang naturang donations mula LTG ay dagdag sa 5,000 boxes ng relief goods mula naman sa DFA.

Bukod sa mga nabanggit na ayuda sa pagitan ng DFA at LTG ay mamahagi pa din ang LTG ng mga pagkain at inumin sa mga darating na OFW.

Ang repatriation team ay pangungunahan ni Chief of Presidential Protocol at Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Eric A. Borje.

Ito na ang ikatlong batch ng mga OFW repatriates mula sa Lebanon simula nang mangyari ang Beirut Port explosion.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *