Kuwait
National

Panibagong batch ng distressed OFWS galing Kuwait, nakauwi na ng bansa

Nakauwi na sa bansa ang panibagong batch na mahigit dalawampung distressed Overseas Filipino Workers galing Kuwait.

Lulan ng Qatar Airways Flight QR 934 ang mga naturang OFW na lumapag alas otso kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Karamihan sa mga umuwing OFW ay halos pare-pareho ang karanasan ng pang aabuso at pagmamaltrato ng kani-kanilang mga amo  na dahilan ng kanilang pagtakas sa Kuwait.

Ang iba sa kanila ay ibinebenta rin ng kanilang employers sa ibang amo.

Karamihan sa mga nasa temporary shelter na mga OFW na nasa Kuwait ay tumatagal mula 2 buwan pataas, depende sa kaso na kanilang kinahaharap.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 100 OFW ang nasa Kuwait ang naghihintay ng schedule na makauwi ng bansa.

Ulat ni Cherry Light

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *