Pangulong Rodrigo Duterte
National

Pangulong Rodrigo Duterte, sabak pa rin sa mga aktibidad sa gitna ng bagyo

SA kabila ng nararanasang masamang panahon dulot ng Bagyong Tisoy, tuloy pa rin sa ngayon ang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa katunayan, hindi lang isa o dalawa kundi tatlo ang nakalinyang aktibidad ng Chief Executive.

Ganunpaman, pawang sa loob ng Palasyo naman gaganapin ang tatlong sunod- sunod na presidential activities mamayang hapon.

Kabilang dito ang   gagawing pagpapanumpa ng Presidente sa Executive committee members ng League of Municipalities of the Philippines at ang Ceremonial Signing ng pagpapaliban ng 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Act at ang Malasakit Center Act.

Samantala, kanselado na ang naka-schedule sanang Silent Media Briefing na pangungunahan sana ng Presidential Management Staff at ng Presidential Security Group.

Mga empleyado ng PCOO, pinauuwi

Samantala, nag-isyu na ng Office Order si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na nagpapahintulot sa ilang mga empleyado ng PCOO na maka-uwi na.

Ito’y upang makaiwas na rin sa posibleng peligro na idulot ni Tisoy na inaasahang mananalasa sa ilan pang mga lugar ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Ibinatay ni Andanar ang pag-iisyu ng Office Order alinsunod sa itinatakda ng Memorandum Order 004 series of 2018.

Alas diyes ng umaga ang effectivity ng nasabing Office Order na nilagdaan ni Andanar.

Hindi naman saklaw ng nasabing order ang mga tanggapan ng PCOO na may kinalaman sa Public Service Continuity Plan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *