Pangulong Duterte, umaapela sa publiko na huwag mamili ng COVID-19 vaccines

Pangulong Duterte, umaapela sa publiko na huwag mamili ng COVID-19 vaccines

UMAAPELA  ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag nang mamili sa bakunang ipapaturok.

Binigyang-diin ni Duterte sa kanyang Talk to the People address na lahat naman aniya na COVID-19 vaccines ay epektibo kung kaya’t hindi na dapat maging choosy pa ang isang indibidwal ukol dito.

Inabisuhan na rin ng pangulo si vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na hindi maaaring magreserve ang kanyang mga staff ng gusto nitong COVID-19 vaccines.

Inirerekomenda rin ni Pangulong Duterte kay Galvez na puntahan ang mga mahihirap na kumonidad at bakunahan na ang mga ito kung nahihirapan silang maka-avail.

Samantala, mahigit tatlong milyong Filipino na ang nabakunahan kontra COVID-19.

Batay ito sa latest report ni Galvez kay Pangulong Duterte sa taped public briefing na inire ngayong umaga.

Ayon kay Galvez, nasa 2,282,273 Filipino na kabilang sa A1 hanggang A4 priority groups ang nabakunahan.

Habang nasa 719,602 Filipino na kabilang sa kaparehong vaccination groups ang nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.

Ibinalita rin ni Galvez sa pangulo na nakapagbakuna ang national government ng isang milyong Filipino sa loob lamang ng 17 araw ngayong Mayo.

Sa ngayon, nakapagdeploy na aniya ang gobyerno ng 7,149,020 vaccines mula sa 7,779,050 sa 3,784 vaccination sites sa bansa.

SMNI NEWS