Pangulong Duterte, template ng leadership sa Pilipinas —Pastor Apollo C. Quiboloy

Pangulong Duterte, template ng leadership sa Pilipinas —Pastor Apollo C. Quiboloy

HINDI na bago para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang tahasang pagsuporta nito kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil  sa mga natatanging nagawa nito para sa bansa.

Kung tutuusin aniya, at kung mamarapatin, nais ni Pastor Apollo na habangbuhay na maging pangulo ng bansa si Pangulong Duterte dahil sa mga magagandang proyekto at programa nito.

Kaya naman, batid ngayon ng butihing Pastor na malaking hamon ito para sa susunod na administrasyon.

Ayon pa kay Pastor Apollo, mula nang umupo ang pangulo ay marami ang nagpaabot ng pasasalamat sa liderato  nito dahil sa magaling na pamumuno nito sa bansa sa kabila ng malalaking suliranin na kinakaharap ng gobyerno  mula sa usapin sa korupsiyon, kriminalidad at problema sa iligal na droga.

Bagay na hinayaan lang aniya ng mga nakaraang administrasyon kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang mga abusadong indibidwal at grupo para pagsamantalahan ang bansa.

Giit ni Pastor Apollo, sa personal na pananaw nito, hindi mahalaga para sa kaniya ang mga magandang pananalita ng isang pulitiko kundi binabatay ito sa nagagawa ng isang tao.

“Kaya, kung meron mang tatakbong pangulong susunod, iinsultuhin ko kayo kung hindi ninyo nagagawa at hihigitan pa ang ginawa ng ating pangulo,” pahayag ng butihing Pastor.

Hindi  rin aniya magdadalawang-isip  na ipanawagan ang pagbaba nito sa pwesto kung kinakailangan.

“Ako mismo ang magsasabing mag-resign ka na, wala kang karapatan diyan. May template na tayo sa leadership sa Pilipinas -ang Pangulong Duterte,” ani Pastor Apollo.

Sa huli, patuloy na nakikiramdam si Pastor Apollo sa iba’t ibang indikasyon ng pagtakbo ng mga politiko sa susunod na eleksyon, bagamat nauna na nitong sinabi sa kaniyang live television program na Powerline na si Davao City Mayor Inday Sara ang napipisil nito na maaaring pumalit kay Pangulong Duterte.

SMNI NEWS

BASAHIN:

—‘Long and lasting peace’ ng Duterte admin sa bansa, malapit nang makamtan —Pastor Apollo

—Department of OFW Bill, kinakailangan nang maipasa —Pastor Apollo C. Quiboloy

—Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo sa Davao City

—Pastor Apollo C. Quiboloy sa guilty verdict laban kay Trillanes: ‘No one is above the law’

—Taumbayan, hindi na maloloko —Pastor Apollo C. Quiboloy

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *