Pangulong Duterte, planong manatili sa Davao City matapos ang kanyang termino

Pangulong Duterte, planong manatili sa Davao City matapos ang kanyang termino

ISA nga sa napag-usapan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa naging makulay nilang talakayan ay ang retirement plans ng ating Pangulo, kung saan sinabi nito balak niyang mamalagi sa Davao City matapos ang kanyang termino.

Sa naganap na SMNI Exclusive sa Sonshine Media Network International inihayag ni Pangulong Duterte na kilala sa kanyang istriktong pamahahala sa gobyerno na isa sa kanyang matagumpay na natamo sa panahon ng kanyang termino ay ang pag-expose ng oligarkiya sa Pilipinas.

“Sabi ko kaya in six months, little did I know that I will be fighting my own government,” pahayag ni Pangulong Duterte.

“What is my achievement, if you ask me in my own humble way, I will say, I exposed oligarchy in the Philippines,” ayon pa sa Pangulo.

Matapos sagutin ang ilan sa mga maiinit na isyung kinakaharap ng bansa ay inihayag rin ni Pangulong Duterte kay Pastor Apollo ang kanyang plano matapos siyang tanungin ukol sa kanyang retirement plans kapag natapos ang kanyang termino.

“Order na lang ako doon sa Prayer Mountain mo. Maganda man doon,” tugon ng Pangulo.

Maliban sa planong manatili sa Davao City ay sinabi rin nito kung saan niya nais mismong tumuloy sa panahon ng kanyang pagreretiro

“I’d like to add something Pastor; I hope I do not offend you. Alam mo, alam mo saan ko gustong magtira? Yung bahay na binigay mo. Sabi mo, ‘Pag retire mo, may matirhan ka’,” ayon pa sa Pangulo.

“‘Yun ang sabi sa akin yung gabi na yun dinala mo ako doon, yun. Doon siguro ako titira,” dagdag ng Pangulo.

“Hindi pa ako nag-retire eh. Ang usapan namin ni Pastor, pag-retire ako, doon ako titira.”

“Akala siguro nila nakakuha ako ng maganda na bahay diyan sa RP, kurakot. Sabi ko, ano sa kanila, bigay ni Pastor ‘yan,” wika ng Pangulo.

Samantala, inihayag naman ni Pastor Apollo ang kanyang pananaw sa matalik na kaibigan na hindi nalalaman o pilit na sinisira ng kanyang mga detractors o mga taong hindi pabor sa Pangulo.

“Pero your values can never change. Lalo na ngayon you are in that age. At noong Mayor ka, bata ka pa noon eh. Kaya, you are my friend in the political world that I cannot forget because ako, pobre din kami pero yung tinuro ng mga magulang ko sa akin is really the values of what I have now in the Kingdom lalo na sa materyal, sa pera na you be honest with what you have and the Lord will bless you,” pahayag ni Pastor Apollo.

“And I think you are more than blessed. You will be written in the annals of Philippine history. Para sa akin, Mayor ha, hindi kita binobola. Kasi even in our private conversation I’m telling you this without anyone hearing about it. You are a Philippine hero,” pagbunyag ng butihing Pastor.

(BASAHIN: Pangulong Duterte nakahanda nang magretiro sa 2022)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *