Vice President
National

Pangulong Duterte, pinayuhan si Vice President Robredo na huwag tumakbong presidente

MINALIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kakayahan ni Vice President Leni Robredo.

Sinabi ni Duterte na walang alam sa batas si Robredo na makailang beses na kumuha ng bar exam.

Dahil dito, pinayuhan ni Duterte ang dating co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD na huwag nang tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa 2022.

Nilinaw din ni Duterte na wala siyang planong tumakbo sa ikalawang termino o mag-endorso ng kandidato sa 2020 presidential elections.

ICC, hinamon ni Pangulong Duterte na litisin siya sa drug war

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang International Criminal Court o ICC na litisin siya dahil sa drug war.

Ginawa ito ng pangulo sa kaniyang talumpati sa paggunita ng kaarawan ni Andres Bonifacio sa Caloocan City.

Sinabi ng pangulo na kahit sa loob ng libong taon ay hindi siya kayang litisin ng ICC sa kaniyang kampanya kontra iligal na droga.

Binigyang diin ng Pangulong Duterte na mas matalino siya kaysa sa mga taga-ICC.

Matatandaan na inireklamo si Duterte ng crimes against humanity sa ICC kaugnay sa drug war.

Kinuwestyon din ng pangulo ang legalidad ng ratification ng Rome statute dahil hindi naman ito nalathala sa official gazette, kaya hindi ito naging batas.

Aniya pagdating sa korte ay mababalewala lang ang kaso at handa pa siyang sumayaw ng pandanggo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *