National

Pangulong Duterte, pinaaaresto ang lahat ng konektado sa New Peoples’ Army

PINAAARESTO ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga legal fronts
ng New People’s Army (NPA).
Kabilang dito ang mga militanteng grupo, mga kasapi ng Communist Party
of the Philippines (CPP)
at National Democratic Front (NDF).
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harap ng light reaction
regiment
sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija kagabi.
Naniniwala ang pangulo na nagsasabwatan ang NPA at legal fronts nito para
pabagsakin ang gobyerno o maghasik ng karahasan.
Iginiit ng pangulo na wala siyang pakialam kung magsagawa ng
demonstrasyon o magrebolusyon ang mga legal fronts ng NPA basta lahat
ng konektado sa mga rebelde ay aarestuhin.
Muli ding inihayag ni Pangulong Duterte na kanyang idedeklara ang NPA
bilang teroristang grupo at tatratuhin bilang mga kriminal.
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *