National

Pangulong Duterte, payag na balewalain ang claim sa WPS

PUMAYAG si Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi ng Pilipinas ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral ruling sa West Philippine Sea o sa WPS.

Kasunod ito ng pakikipagkasunod ni Chinese President Xi Jinping sa 60-40 na hatian sa likas ng yaman sa lugar kaugnay ng nilulutong joint exploration.

Ang West Philippine Sea ay sakop ng EEZ ng Pilipinas at nasa loob din ng South China Sea.

Matatandaan na naninindigan ang China na kanila ang wps sa huling bilateral meeting ng lider noong Agosto.

Una nang sinabi ni Senior Associate Justice Antonio Carpio na labag sa saligang batas ang joint exploration at “exploitation” ng West Philippine Sea.

Magugunita na Nobyembre 2018 ay nilagdaan nina Duterte at Xi ang memorandum of understanding sa joint oil and gas development sa West Philippine Sea.

DFA. Sec. Locsin, pumalag sa pahayag ni Pangulong Duterte

Nangangamba naman si DFA Sec. Teodoro Locsin na malaking problema ang aasahang kapalit ng gobyerno kapag tuluyan nitong hinayaan na isantabi ang arbitral ruling sa West Philippine Sea kasabay ng inaasahang joint exploration doon ng Pilipinas at China.

Kasunod ito ng pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinimok siya ni Chinese Pres. Xi Jinping sa kanilang huling meeting na isantabi na ang ruling ng Permanent Court of Arbitration noong 2016 at hayaan ang mga Chinese na pumasok dito.

Giit ng kalihim, pag-aari ng mga Pilipino ang desisyon ng The Hague at karapatan ng bawat isa na panghawakan ito.

Matatandaan na nanindigan si President Xi sa hindi nito pagkilala sa desisyon ng korte.

Sa ngayon ay patuloy na pina-plantsa ng mga otoridad ang panukalang joint exploration matapos lumagda ng kasunduan ang dalawang bansa noong nakaraang taon hinggil dito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *