National

Pangulong Duterte, kinondena ng ilang mambabatas kaugnay sa pagsisinungaling sa umanoy bank accounts ni Senador Trillanes

Mariing kinokondena ng ilang miyembro ng mambabatas sa Kamara ang umano’y kasinungalingan na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa umanoy bank accounts ni Senador Antonio Trillanes sa ibang bansa.
Anila, hindi gawain ng isang Pangulo na gumawa ng isang alegasyon na wala palang sapat na ebidensiya.
Matatandaang mariing ibinunyag ni Duterte ang umanoy milyon-milyong bank accounts ni Trillanes sa ibang bansa gayong isang trap lang pala ang nasabing alegasyon.
Hindi na nagugustuhan ng ilang miyembro ng mambabatas sa Kamara ang mga lumalabas mula sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kritiko nito.
Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, nagiging trademerk na ni Pangulong Duterte ang pagsisinungaling laban sa kaniyang mga kritiko para ilihis ang mga isyung ikinakabit sa kaniyang administrasyon.
Inihayag ng mambabatas ang sentimiyento matapos na personal na mapatunayan ni Senador Trillanes na wala pala itong account sa Singapore.
 Giit pa ng mambabatas, hindi ito dapat na gawain ng isang Pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *