Pangulong Duterte kay VP Robredo: “Huwag na ninyong palakihin ang problema”

Pangulong Duterte kay VP Robredo: “Huwag na ninyong palakihin ang problema”

MAKAILANG ulit na pinasaringan ni Pangulong Rodrigo Duterte si VP Leni Robredo matapos ang mga pahayag nito na pawang kontra sa naging pagtugon ng administrasyon sa COVID-19 pandemic.

Mababatid na walang-habas sa pagpuna si Robredo sa halos lahat ng mga aksyon at mga programa ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19 crisis.

Sa isang public address na ginanap sa Davao City, binanatan ni Pangulong Duterte si VP Robredo at sinabihang huwag nang palakihin ang problema ng bansa sa pamamagitan ng mga iresponsable at walang kabuluhang mga pahayag na nagpapahiwatig na walang ginagawa ang pamahalaan sa gitna ng pandemya.

“It’s COVID-19 equals vaccine. Huwag na ninyong palakihin ang problema. Do not add something to pandemic by making such reckless statement that we are not doing enough.”

—Pres. Rodrigo Duterte

Sinabi pa ng punong-ehekutibo na huwag na sanang dayain pa ng mga dilawan ang publiko at papaniwalaing hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno ngayong pandemya.

“Kagaya ng mga dilawan, maski anong sabihin mo. Hindi mo gawin ay masama ka. Kung gawin mo, masama ka pa rin.”

“Huwag kayong maniwala riyan sa dilawan. I hate to mention her name, pero itong si Leni kung ano-anong pinagsasabi.”

“Do not delude the people na bobolahin na we’re not doing enough….para idiin itong administrasyon.”

—Pres. Rodrigo Duterte

Tanong pa ni Pangulong Duterte sa mga kritiko….

 “Ano pa bang enough ang gusto niyo? May ospital, may kama, at may punerarya. Nandiyan ang lahat. Ano pa ba ang gusto niyo?”

—Pres. Rodrigo Duterte

Gobyerno, ginagampanan ang tungkulin —Pang. Duterte

Binigyang-diin pa ni Pangulong Duterte na ginagawa ng gobyerno ang tungkulin at gampanin nito sa bayan.

“But what I’m trying to….we are doing our job, period.”

—Pres. Rodrigo Duterte

Kaugnay nito, inihayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na patuloy silang nag-iikot kasama ang National Task Force (NTF) para i-monitor ang kalagayan ng bawat lugar pagdating sa COVID-19 cases.

“Ang ginagawa namin sa National Task Force, kami ni Sec. Galvez umiikot kami. Pumunta kami sa Gen. Santos City, kasi tumataas ‘yung case doon dahil sa fishport.”

—Sec. Delfin Lorenzana, DND

COVID testing, contact tracin, at isolation, patuloy na pinalalakas ng mga alkalde ng Metro Manila

Inihayag naman ni NTF against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na patuloy ding na pinalalakas ng mga alkalde ng Metro Manila ang COVID-19 testing, contact tracing, at pagdagdag ng isolation facilities sa kani-kanilang lokalidad.

 

“Pinalalakas ang quarantine facilities…..ang Nayong Pilipino mauumpisahan na rin.”

—Secretary Carlito Galvez Jr., NTF Against COVID-19 Chief Implementer

Ani Galvez, aabot sa 320,000 ang naisasailalim sa COVID-19 test sa Metro Manila.

Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon mayroon nang 25,767 contact tracing teams. Ang contact tracers ay nasa 227,648.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang tulong ng kanyang gabinete sa pagtugon sa matinding dagok na kinakaharap ngayon ng bansa dulot ng COVID-19.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *