VP Leni Robredo
National

Pangulong Duterte, inamin na wala siyang tiwala kay VP Leni Robredo

TAHASANG inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pinagkakatiwalaan si VP Leni Robredo.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kaniyang ipinatawag na press briefing kagabi sa Malakanyang.

Sinabi ng pangulo na bukod sa pagiging oposisyon ay hindi niya kilala ang pangalawang pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, mula daw ng italaga niya si Robredo bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay naging iba na ang pag-uugali nito.

Aniya, mapanganib ang balak ni Robredo na makuha ang mga sensitibong impormasyon sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga na makakaapekto sa relasyon ng bansa sa US at China.

Tanging trabaho aniya na dapat na gawin nito ay magbigay ng direktiba sa mga otoridad na nangangasiwa ng iligal na droga.

VP Robredo, pumalag sa pagkakait na mabigyan ng mga dokumento sa war on drugs

Pumalag na si Vice Pres. Leni Robredo sa pagkakait ng administrasyon na mabigyan siya ng mga dokumento at intelligence reports na may kinalaman sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Iginiit ng bise presidente na parte lamang ng kanyang trabaho bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) na malaman ang lahat ng sulok na iniikutan ng naturang kampanya.

Tugon ito ni Robredo sa pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na nakaapekto sa pagtatalaga sa kanya bilang cabinet member ang request sa drug watch list.

Sinabi ni Robredo na kung walang tiwala sa kaniya ang Malakanyang ay bakit pa siya itinalaga bilang co-chair ng ICAD.

 SMNI NEWS

One thought on “Pangulong Duterte, inamin na wala siyang tiwala kay VP Leni Robredo”

  1. Eh gago talaga itong so-called president na duterte.
    Kung wala kang tiwala, bakit binigyan mo pa rin ng authority na maging co-chair ng anti drug campaign?
    Hindi katiwa-tiwala ang ganyang desisyon ng isang pressidente. Ginagawa mong bahay-bahayan ang pagpapatakbo ng gobyerno.
    Puro ka lang kayabangan at napakataas ng ihi mo. IKAW ANG DAPAT TANGGALIN SA GOBYERNO, KASAMA NA LAHAT ANG MGA ALIPORES MO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *