Pangulong Duterte, ikinunsidera ang pagtakbo bilang bise presidente

Pangulong Duterte, ikinunsidera ang pagtakbo bilang bise presidente

KINUKONSIDERA ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtakbo bilang bise presidente sa 2021 general elections upang maiwasang bansagang mahina na sa kanyang huling taon ng pagkapangulo.

Aniya, ito ay upang isang political posturing upang hindi siya tratuhin ng hindi maganda ngayong huling taon ng kanyang termino.

Bukod pa rito, sinabi rin ng pangulo na ito ay upang mapanatili ang equilibrium.

Aniya, kapag hindi niya kaalyado ang magiging pangulo, maaari siyang lumahok sa military o pulis sa kanilang laban kontra krimen, droga at kriminalidad.

Bukod pa rito, sinabi rin niya na maaari siyang mag-ikot sa mga bansang sakop ng ASEAN upang magkaroon ng matatag na relasyon sa mga ito.

Niririndihan ng PDP-Laban si Pacquiao

“Nirindahan namin yung kabayo namin.”

Ito ang naging tugon ni Pangulong Duterte sa tanong kung hindi na ba ikukonsidera ng PDP-Laban si Senator Manny Pacquiao sa presidential at vice presidential bets.

Ayon kay Pangulong Duterte, mukhang hindi yata makapaghintay si Pacquiao sa anunsyo ng PDP-Laban kung kaya’t nagwala na at nasabi na mas laganap ang korupsiyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Bakit aniya ngayon lang din nag-ingay ang nasabing senador na dapat sana ay noon pa para maimbestigahan.

Hirit pa ng pangulo, hindi ibig sabihin na champion si Pacquiao sa boxing ay magiging champion din ito sa politika.

Nilinaw naman ng Pangulo na kung anumang ahensya ang kasama sa inilabas na listahan ng senador ay makipagkooperasyon ito nang 100%.

BASAHIN: Senator Manny Pacquiao tinawag na traydor ni Pastor Apollo C. Quiboloy

SMNI NEWS