anti-drug czar
National

Pangulong Duterte, ikinalugod na tinanggap ni VP Leni ang pagiging anti-drug czar

MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabing mabuti at tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang pagiging anti-drug czar o co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Ayon kay Chief Presidential Spokesperson Salvador Panelo, binanggit ng Pangulo ang naturang kataga sa harap ng mga miyembro ng gabinete kagabi sa kanilang pulong sa Malakanyang.

Inaasahan ani Panelo ngayon ni Pangulong Duterte na mauunawaan na ng Pangalawang Pangulo na ang mga napapatay na drug suspects ay hindi bunga ng state-sponsored killing o EJK.

Ito’y dahil bunga na rin mismo ng mga bayolenteng reaksiyon ng mga nasa illegal drug trade laban sa mga tumutugis sa kanilang anti- illegal drugs operatives na kailangan din namang protektahan ang kanilang mga sarili.

Ito na ayon sa Pangulo ang pagkakataong masasaksihan mismo ng Bise Presidente ang mga pangyayari sa ground at mula doo’y malaman na sadyang kontra ang gobyerno sa Extra Judicial Killings o EJK.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *