SOGIE Bill
National

Pangulong Duterte hindi sesertipikahang ‘urgent’ ang SOGIE Bill

HINDI sesertipikihan bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression o SOGIE Bill.

Ito ang paglilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kasunod ng pahayag ni Pang. Duterte ukol dito kagabi.

Ayon kay Panelo, hindi SOGIE Equality Bill, kundi ang Anti-Discrimination Bill ang isesertipika ng pangulo.

Sinabi rin ni Senate President Vicente Sotto III na nakakuha siya ng paglilinaw na ang Anti-Discrimination Bill ang handang sertipikahan ng presidente.

Naniniwala naman si Sotto na hindi pa nababasa ng pangulo ang proposed SOGIE measure pero posible aniyang ang Anti-Discrimination Bill ang tinutukoy nito.

Matatandaang ang SOGIE Bill ay isinusulong ni Senator Risa Hontiveros habang ang Anti-Discrimination Bill ay inihain ni Senator Juan Edgardo Angara.

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *