Pangulong Duterte, hindi nagbabago sa pag-protekta sa karapatan ng bansa sa WPS

Pangulong Duterte, hindi nagbabago sa pag-protekta sa karapatan ng bansa sa WPS

HINDI nagbabago ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-poprotekta nito sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang naging pahayag ni National Security Adviser and National Task Force for the WPS chair Hermogenes Esperon Jr.

Ayon kay Esperon, patuloy na nagta-trabaho ang gobyerno para mapa-unlad pa ang mga station sa mga area at ginagawa nito ang lahat para maprotektahan ang resources sa WPS.

Ito ang naging pahayag ni Esperon dahil sa nangyaring pag-harang ng Chinese Coast Guard sa dalawang resupply boats ng Pilipinas papuntang Ayungin Shoal noong November 16.

Samantala, balak ni Esperon na i-preserba ang BRP Sierra Madre nang tanungin kung ito ay papalitan na ba.

Bukod pa rito, magtatayo rin ng lighthouse at iba pang istruktura ang gobyerno para sa mga mangingisda at sundalo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *