Pangulong Duterte, handang tapatan ng kasamaan ang mga durugista

Pangulong Duterte, handang tapatan ng kasamaan ang mga durugista

MULING binalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga taong sangkot sa iligal na droga at handa nitong tapatan ang kasamaan, malipol lang ang mga durugista.

 “You drug people, itong nakikinig ngayon na nasa negosyo ng drugs. You are doing an evil thing, and you think that you can conquer good? Pag yan ang nasa paradigm ng isip ninyo. Mindset ninyo, sabihin ko ito sa inyo, you are doing evil,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa ikalawang pagkakataon na naging guest ang Punong Ehekutibo sa SMNI Exclusive kasama ni Pastor Apollo C. Quiboloy, sinabi nitong handa itong bumaba sa impyerno para habulin ang mga durugista.

“And do not ever, ever think that you are the only one who can do evil things kasi ako marunong rin akong bumaba sa impyerno to really meet you where you want it to be. Hindi na ako mag-elaborate niyan, pero kung anong kaya mong gawin, kaya ko rin talaga at gagawin ko. Kaya ganun nga ang nangyayari. Hindi kita papayagang makalusot,” pahayag ng Pangulo.

Pero paglilinaw ng Pangulo, may awa pa rin ito sa mga tinaguriang “basurero”, o mga taong nagbibenta at sumusunod lamang mula  sa utos ng kanilang mga pinuno.

Ayon sa Pangulo, wala siyang balak na patayin ang mga ito.

Tanging payo nito sa mga otoridad hulihin lamang at ikulong pero ibang usapan na aniya para sa mga taong nangunguna sa malawakang distribusyon ng iligal na droga.

Matatandaang bago pa man ihalal na pangulo ng bansa si Duterte, una na nitong ikinampanya at ipinangako sa mga Pilipino na labanan ang problema kontra iligal na droga sa bansa.

“Sabi ko nga na I can solve the problem in 6 months, little did I know that I will be fighting my own government,” ayon pa sa Pangulo.

Samantala, bilang malapit na kaibigan, suportado ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ ang pangulo sa lahat ng laban nito.

At sinabing, hindi naman nagkulang ang Pangulo sa pagharap sa mga ito dahil marami na rin ang naipakulong at patuloy na tinutugis ng pamahalaan hanggang ngayon.

Dagdag pa ni Pastor Apollo, ng dahil sa pangulo, tinatamasa ngayon ng bansa ang maayos  na pamahalaan.

“That’s why may katapat na yung mga masasama dito Mr. President. At saka, ito yung naging resulta, kung may resulta yung droga na ganyan, may resulta rin yong ginagawa ninyo na mapayapa natin at matakot sila. So that is the result of what we are now enjoying as a peace and order country in the Philippines starting with Davao noong mayor kayo dito,” pahayag ni Pastor Apollo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *