paggamit ng plastic
National

Pangulong Duterte, gustong tuluyang ipagbawal ang paggamit ng plastic

AYAW na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit ng plastic.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na natalakay sa ginanap na cabinet meeting kagabi sa Palasyo.

Ayon kay Panelo, isang paraan lamang ito na naisip ng Chief Executive para malabanan ang climate change na kinaharap ng lahat ng bansa sa mundo.

Sa kabila nito, aminado si Pang. Duterte na kinakailangan dito ng pagkilos ng mga mambabatas o paggawa ng panukalang batas na tuluyang magbabawal na sa paggamit ng plastic saan pa mang panig ng bansa.

Sa cabinet meeting ay ibinahagi ni Vernice Victorio, Presidente at CEO ng Natural Resources Development Corp., isang attached-GOCC ng DENR, ang isang presentation hinggil sa climate change programs na maaaring ipatupad ng pamahalaan at gawing priority programs para sa environment and climate change resiliency ng bansa.

HANNAH SANCHO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *