Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo sa Davao City

Pangulong Duterte, bumisita kay Pastor Apollo sa Davao City

BUMISITA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pastor Apollo C. Quiboloy kagabi ng Linggo, Mayo 9, sa Central Headquarters ng The Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Kabilang sa nagtungo kasama ni Pangulong Duterte si Senador Christopher ‘Bong’ Go.

Duterte bumisita Pastor Apollo

Sa isang simpleng hapunan, napag-usapan nina Pastor Apollo, na bukod sa matalik na kaibigan ni Pangulong Duterte ay spiritual adviser din nito, ang mga mahahalagang bagay at napapanahong isyu sa loob ng bansa.

Sa nasabing okasyon rin ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang lider na personal na makapagkumustahan.

Samantala, patuloy naman ang dasal at panalangin ni Pastor Apollo kay Pangulong Duterte na mabigyan pa ito ng dagdag na kaalaman at kalakasan sa pagpapatakbo at pamumuno sa Pilipinas lalong-lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

“Bumisita si Presidente (Rodrigo Duterte) sa akin ngayon, kanina, nag-dinner kami, Sunday. Marami kaming napag-usapan, mga importanteng bagay, about sa ating bansa, about sa darating na mga panahon, about sa kinakaharap nating problema, iyong pandemya at marami pang ibang mga importanteng bagay,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Dumadalangin tayo na lalo pang pagpalain ang ating Pangulo sa kanyang pamumuno dahil mabigat ang kanyang trabaho, pero nakikita ko na kaya naman niya. Nakita nga natin kung paano umusbong ang ating bansa sa kanyang pamamahala. So, iyan ay isang bagay na nobody can take away from the record, sterling record of our President Rody Duterte. So, it was a nice conversation, nice evening, and we talked over many things, we talked many things over dinner at sa mga susunod pang panahon ay baka masabi ko iyong ibang pinag-usapan namin, very important things,” ayon sa butihing Pastor.

“And abangan po ngayong June 7, 2021 dito sa SMNI Worldwide Studios sa Davao City, magkakaroon ng Talk to the Nation ang ating Pangulo. So, magandang talakayan ito, at kung mayroon kayong mga tanong, kung ano man, open yan sa publiko, pwede kayong magtanong at parang open forum para sa kanya (Pres. Duterte) sa pulso ng bayan,” saad ni Pastor Apollo.

“Salamat po sa mga taga subaybay ko sa YouTube, mga subscribers at lahat ng mga sumusubaybay ng programa ko lalo na sa mga usaping pang bayan kasi mahal natin lahat ang ating bansang Pilipinas kaya idalangin po nating maigi ang ating Presidente na magampanan niya ang kanyang mga katungkulan, ang kanyang mga tungkulin na pinangako niya noong eleksyon ay ginanap talaga niya, wala siyang iniwan diyan. Nakita ko na talagang pasan niya ang bigat ng responsibilidad ng ating bansa para sa ating ikauunlad. For the convenience of the Filipino people and he is doing a great job. Bless the President,” dagdag ng butihing Pastor.

Ito na ang ikalawang pagkikita nina Pangulong Duterte at ni Pastor Apollo simula nang tumama ang pandemya sa Pilipinas nakaraang taon 2020.

(BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy kay Senador Manny Pacquiao: Manatili ka muna sa level mo)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *