Sen. Richard Gordon
National

Pangulong Duterte, binira si Sen. Richard Gordon

BINIRA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sen. Richard Gordon sa pagbatikos nito sa pagtatalaga ng mga military officials sa gobiyerno.

Nanindigan si Pangulong Duterte na hindi iligal ang pag-appoint niya sa mga retired military sa ilang posisyon sa pamahalaan.

Tinawag ni Pangulong Duterte si Gordon na “smart ass” na kung maglakad ay parang penguin dahil sa laki umano ng tiyan ng senador.

Nag-ugat ang panggigigil ng pangulo nang kuwestyunin ni Gordon ang pagkakatalaga kay retired Lieutenant General Emmanuel Salamat, bilang MWSS board member.

Tinawag kasi ni Gordon na mababaw ang pangulo at galing probinsya kaya nagre-rely na lang sa military.

Pinayuhan din ni Duterte si Gordon na huwag nang tumakbo bilang presidente dahil wala daw itong makukuhang suporta mula sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa punong ehekutibo, hanggang senador lang si Gordon at kahit kailan ay hindi ito magiging bise presidente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *