National

Pangulong Duterte bibiyaheng ME ngayon


Nakatakdang lumipad ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa anim na araw na pagbisita sa tatlong bansa sa Middle East (ME) hanggang Abril 16.
Hihikayatin ng pangulo ang foreign investors mula sa Saudi Arabia, Bahrain at Qatar na mamuhunan sa bansa partikular na sa Mindanao upang umangat ang pamumuhay ng mga tao roon.
Makikipagpulong si Duterte kina King Salman Bin Abdulaziz Al Saud sa Riyadh, Saudi Arabia, King Hamad Bin Isa Al Khalifa sa Manama, Bahrain at Emor Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani sa Doha, Qatar.
Bukod dito, nais ding malaman ni Duterte ang kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.
Nasa 760,000 Pilipino ang nasa Saudi Arabia samantalang 60,000 at 250,000 naman sa Bahrain at Qatar.
Ang ME ang pangalawa sa pinakamalaking pinanggagalingan ng remittances ng OFWs na umabot sa 7.5 bilyong dolyar nitong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *