Pangulong Duterte at Sen. Go, sinaksihan ang pormal na pagbubukas ng PSGSH sa Malacañang Park

Pangulong Duterte at Sen. Go, sinaksihan ang pormal na pagbubukas ng PSGSH sa Malacañang Park

SINAKSIHAN ang pormal na pagbubukas ng Presidential Security Group Station Hospital (PSGSH) sa Malacañang Park ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher Bong Go.

Nitong Miyerkules, Nobyembre 10, 2021 ay pormal na binuksan ang bagong gawang Presidential PSGSH sa Malacañang Park, Manila sa pangunguna ni Pangulong Duterte kasama ng mga opisyal ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na ito ang patunay na nakatuon ang gobyerno sa kapakanan ng ating mga kawal at kanilang mga mahal sa buhay, lalo na’t kinakaharap pa rin ngayon ang pandemya na dulot ng COVID-19.

Ang 9,000 square meters hospital na ito ay handang maglingkod sa pangangailangan ng Pangulo, lahat ng PSG Troopers at kanilang mga pamilya.

Sa loob naman ng ospital ay mga state-of-the-art facilities kasama na ang emergency room, ICU, out-patient department, laboratory, dental complex, radiology / imaging area, hyperbaric oxygen treatment complex, neuro at physical services, nursing unit or ward, private rooms at isang presidential suite.

Sinaksihan din nina Pangulong Duterte, Go at iba pang opisyal ang turnover ceremony ng librong ‘Philippine Tactical Combat Care Course Manual’, na gawa ng Philippine Center for Advanced Surgery of Trauma.

Nilalayon ng manual na ito na gawing mas epektibo ang pangangalaga sa kalusugan ng ating mga kawal tuwing napapasabak sila sa operasyon.

Patuloy lang sa pagtugon sa pangangailangan ng ating mga unipormadong hanay si Pangulong Duterte sa nalalabing buwan ng kanyang termino. Ito ang mga pagbabagong kita at ramdam, hindi lang ng ating mga kawal, kundi pati na rin ng bawat Pilipino.

SMNI NEWS