Pangulo ng Argentina, isinusulong ang legal na aborsyon sa bansa

Pangulo ng Argentina, isinusulong ang legal na aborsyon sa bansa

MAGLALABAS na ng bill sa Kongreso ang pangulo ng Argentina na si Alberto Fernandez patungkol sa ligalidad ng aborsyon sa bansa.

Giit ng pangulo, para ito sa kalusugan ng publiko.

Ayon sa pangulo, mahigit 40,000 na kababaihan kada taon ang maaaring maligtas laban sa iligal na procedure ng abortion kung sakaling maipasa ang bill na ito.

Sa kasalukuyan, ligal ang aborsyon sa Argentina para lamang sa mga kaso ng rape at kung ang kalusugan ng kababaihan ang nasa panganib.

Matatandaang noong taong 2018 naman, hindi ipinasa ng Senado ng Argentina ang abortion ng hanggang 14 linggo ng pagbubuntis.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *