kinumpirma
National

Pangingikil ng mga rebelde sa mga kandidato, kinumpirma

KINUMPIRMA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na laganap sa ilang bahagi ng bansa ang pangingikil ng mga rebelde.

Ito ay pangingikil sa mga kandidato para sa local at national positions.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Jonathan Maglaya, ilan sa mga lugar ay kinokolektahan ng “permits to campaign” at “permits to win” fees.

Kinokolekta ito ng mga miyembro ng New People’s Army sa mga kandidato.

Kabilang sa mga lugar ay ang Bicol Region, Ilocos, Southern Tagalog, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.

Sinabi ni Maglaya na nakaka-kolekta ng daan-daang libong piso ang ang mga rebelde sa local candidates.

Habang milyun-milyong piso sa national candidates.

Halos P2M umano ang nakolekta ng mga rebelde mula sa mga kandidato sa local at national positions noong 2016 elections.

Muli namang ipinaalala ni Maglaya ang panawagan ng DILG sa mga kandidato na huwag magbigay ng paying fees sa mga rebelde.

Sa halip ay humingi na lamang ng tulong sa pamahalaan kapag kontrolado ng NPA ang isang lugar kung saan balak mangampanya.

Una na ring inatasan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP).

Ipinag-utos sa PNP na bantayan at gumawa ng case buildup ngayong panahon ng eleksyon.

Lalo na sa 349 na politiko na nasa watchlist ng ahensya.

Seguridad sa mga abugado na binansagang miyembro ng CPP, pinatitiyak

PINASISIGURO ng Commission on Human Rights (CHR) sa pamahalaan ang pagbibigay ng proteksyon at seguridad sa mga abugado.

Ito ang mga abogadong binansagang miyembro ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, patuloy nilang kinokondena ang harrassment at pagbatikos sa mga miyembro ng grupo ng mga abogado.

Kabilang dito ang mga abogado ng Union of People’s Lawyers in Mindanao (UPLM) at National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Ipinaalala rin ni De Guia sa gobyerno na dapat ibigay ang patas na proteksyon sa lahat.

Kahit ano pa man ang kinabibilangang political affiliation.

Dapat din aniyang gawin ang lahat ng hakbang para hindi na maulit pa ang nangyari kay Atty. Ben Ramos.

Pinagbabaril ng mga hindi nakilalang lalaki si Ramos, Secretary-General ng Negros Occidental Chapter ng NUPL noong Nobyembre 2018.

Binansagang miyembro ng CPP si Ramos sa isang poster na kumalat sa Negros Occidental noong Abril 2018.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *