CORONAVIRUSMetro

Pangatlong Walk-In COVID-19 Testing Center, pinasinayaan sa Maynila

WoodProfit

PINASINAYAAN kaninang umaga  ang pangatlong Walk-In COVID-19 Testing Center  sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ng Maynila.

Libre ang naturang testing sa sinumang maaaring mag-avail kahit hindi residente ng Maynila kaya naman dinagsa na ito ng mga tao bago magbukas.

Tinataya  namang aabot sa 400-500 bawat araw ang kapasidad ng nasabing panibagong testing center.

Matatandaan unang binuksan ng Manila City Government ang dalawang Walk-in COVID- 19 Testing Center sa Ospital ng Sampaloc at Gat. Andres Memorial Medical Center.

Target ding buksan bilang susunod na Walk-In COVID Testing Center  ang Ospital ng Tondo at Ospital ng Maynila.

Matatandaan nag-ugat ang inisyatibong ito ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso nang inilunsad nito ang Drive Thru COVID-19 Testing Center na dinagsa naman ng mga motorista sa harap ng Andres Bonifacio Monument at Quirino Grandstand.

Una na ring nilinaw ng mayor na ang ginagawang community based testing ay hindi rapid test kundi ito ay serology anti-body lab testing na mas higit na mabisa.

PHOTO JOB

Ang nasabing testing ay sa pamamagitan ng sample na  dugo na kinukuha sa pasyente at isinasailalim sa serology test.

Ayon kay Domagoso ang ginagamit na proseso para sa Drive Thru at Walk-In Testing Center ay ang Architect I1000 SR’ machines na binili ng city government mula sa Abbott.

Iba ang naturang kagamitan sa swab test dahil ang ginagamit na makina sa pagproseso ay ang Reverse Time Polymerase Chain Reaction o RT -PCR test kung tatawagin.

Maliban sa valid ID ay wala nang requirements na kinakailangan pa ang nasabing testing center.

SMNI NEWS

Genius Dog 336 x 280 - Animated

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close