Pangasinan, isinailalim na sa extreme enhanced community quarantine

Pangasinan, isinailalim na sa extreme enhanced community quarantine

ISINAILALIM na ngayon sa extreme enhanced community quarantine ang buong lalawigan ng Pangasinan.

Sa inilabas na Executive Order 0015-2020 ni Governor Amado Espino III, nakasaad rito na ipinatupad niya ang naturang “extreme enhanced community quarantine” sa buong probinsya ng Pangasinan dahil sa pagpanaw ng dalawang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Isinailalim na sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang buong lalawigan ng Pangasinan pagkatapos makapagtala ito ng…

Posted by Governor Amado 'Pogi' I. Espino III on Monday, 23 March 2020

Ang dalawang namatay ay galing sa bayan ng Rosales at Bayambang habang kasalukuyan namang nakaconfine ang dalawa pang COVID-19 patient sa ospital sa bayan ng Malasiqui.

Base sa naturang EO, epektibo ito simula kahapon March 23, 2020 at magtatagal hanggang March 31, 2020.

Sa naturang “extreme enhanced community quarantine” ay hindi na papayagan na makapasok at makalabas ng probinsya ng Pangasinan ang sinuman.

Extended din hanggang March 31 ang extreme enhanced community quarantine sa bayan ng Bayambang.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *