Pangalawang anak ni Iya Villania, nagpositibo narin sa COVID-19

Pangalawang anak ni Iya Villania, nagpositibo narin sa COVID-19

NAGPOSITIBO narin sa COVID-19 ang pangalawang anak ni Iya Villania.

Ibinahagi ng Tv host/ Actress na nagpositibo sa COVID-19 ang isa sa kanyang tatlong anak sa gitna ng kanyang home isolation.

Ito ay matapos niyang ibahagi sa publiko kamakailan na nagka COVID sila ng kanyang asawa na si Drew Arellano.

Ibinahagi ni Iya sa kanyang Instagram ang picture nito na nakamask katabi ang anak na si Leon (li-yon).

Ayon kay Iya, nilagnat si Leon (li-yon) ngunit nasa maayos na ang kalagayan nito at kasalukuyang naka-isolate.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *