Pangalan ng ilang pasilidad ng PSC, pinalitan ng pangalan ng mga sports legend

Pangalan ng ilang pasilidad ng PSC, pinalitan ng pangalan ng mga sports legend

PINALITAN na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangalan ng ilang pasilidad nito sa pangalan ng mga sports legend ng bansa.

Kabilang sa mga pinalitan ng pangalan ang training gym ng national team sa Rizal Memorial Sports Complex na ginawang Hidilyn Diaz Weightlifting Gym.

Ang ilan pang practice venue na bagong palit ang pangalan ay ang Rizal Memorial Tennis Court na ginawang Felicisimo Ampon Tennis Court mula sa legend tennis player na nanalo ng 25 career titles kabilang na ang gold medals sa Far Eastern Games, Pan American Game at Asian Games.

Ang swimming pool din ay pinalitan ng pangalan kay Teofilo Yldefonso Swimming Pool bilang pagkilala sa kauna-unahang Olympic bronze medalist noong 1928 at 1932 summer games.

At ang huli ay ang Track Stadium ng Rizal Memorial Sports Complex na ipinangalan kay Simeon Toribio, ang high jumper na nanalo ng bronze noong 1932.

Sa pahayag ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang panganlan ng ilang pasilidad na nabanggit na mga atleta ay nakapagbigay ng karangalan sa bansa at umaasa ang opisyal na mananatiling buhay ang legasiya ng mga sports legend ng bansa sa susunod pang henerasyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *