FDR. Exec. Pastor Apollo C. Quiboloy
Kingdom News National

Pang. Rodrigo Duterte, nakipagkitang muli sa kanyang matalik na kaibigan na si FDr. Exec. Pastor Apollo C. Quiboloy

MATAPOS ng kanyang biyahe sa Japan, muling nagbalik sa Pilipinas si Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa kanyang pagpunta sa Davao City, ay bumisita muna ito sa Jesus Christ Central headquarters sa Davao City upang makipagkita sa kanyang matalik na kaibigan na si FDR. Exec. Pastor Apollo C. Quiboloy.

Tulad ng mga nakagawian, muli silang nag-usap tungkol sa mga kasalukuyang kaganapan at ang mga nakaraan nila bilang magkaibigan.

Mula nang maluklok sa pagkapangulo, tatlong taon na ang nakalipas, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-usap silang muli ng personal ni Pastor Apollo.

Ayon kay Pangulong Duterte kinailangan muna niyang unahin ang kanyang mga responsibilidad bilang pangulo ng bansa kung kayat ngayon lamang ito nakadalaw sa kanyang kaibigan.

Sa kabilang banda, nagpahayag ng kagalakan si Pastor Apollo hinggil sa pagbisita ni Pangulong Duterte. Dagdag pa ni Pastor, ipinagmamalaki niya ang kaniyang kaibigan at sinabing siya ay isang regalo sa bansa.

Matatandaang sina Pangulong Duterte at Pastor Apollo ay matalik na magkaibigan mula pa noong si Duterte ay alkalde pa lamang ng Davao City.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *