National

Pang. Duterte at Pang. Trump, nagkasundo na ituloy ang defense treaty, EDCA, military exercises

NAGKASUNDO sina Pangulong Rodrigo Duterte at US President Donald Trump na mas paigtingin pa ang kanilang commitment sa mutual defense treaty of 1951 na pinalakas pa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement(EDCA).
Ito ang nakapaloob sa kanilang joint statement na inilabas ng The White House Office of the Press Secretary matapos ang bilateral meeting nina Duterte at Trump.
Matatandaan na makailang ulit na nagbanta noon si Pangulong Duterte na ipapawalang bisa ang EDCA at pagpapalayas sa mga Amerikanong sundalo sa Pilipinas.
Tiniyak din niTrump na susuporta ang Estados Unidos sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines.
Pinagtibay din ng dalawang lider ang US-Philippines Defense Cooperation, Defense Capabilities and Interoperability at pagpapaigting sa mga joint activities gaya sa disaster response at cybersecurity.
 
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *