BusinessSONA 2020

Pang. Duterte, nagbanta na ipasara ang dalawang telco giant kapag hindi aayusin ang serbisyo

WoodProfit

 

NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dalawang telco giant companies na Smart Communications Inc. at Globe Telecom Inc. na ipasasara ang mga ito kapag hindi nila magawang ayusin ang kanilang serbisyo sa publiko.

 

Sa Ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte, nagbanta rin ito na ite-take-over ng gobyerno ang pamamahala sa nabanggit na telcos.

gamebank

 

“If you are not ready to improve I might just as well close all of you and we revert back to the line telephone. At kukunin ko ‘yan i-expropriate ko. Alam mo itong…I’ll be strict, Smart pati itong Globe, ilang taon na ito,” pahayag ni Duterte.

 

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na gagawa ito ng paraan na makipagtulungan sa Kongreso para mapasara ang naturang public services providers kapag nabigo itong mapag-ibayo ang serbisyo, na hindi man lang natutumbasan ang bayad ng mamamayang Pilipino.

 

Nagrereklamo ang Pangulo hinggil sa inconvenience na nararanasan ng publiko gamit ang mga linyang Smart at Globe.

 

Giit nito, ilang taon nang nag-ooperate ang dalawang kompaniya, pero “lousy” umano ang serbisyo at transaksyon ang nakukuha ng publiko.

 

“I have two years. The next two years will be spent improving telecommunications in this country, without you. I will talk to Congress and find a way how to do it,”dagdag pa ng Pangulo.

 

 

 Mga telco giant, binigyan ng ultimatum ni Pangulong Duterte

 

Binigyan naman ng ultimatum ni Pangulong Duterte ang dalawang telco giant ng hanggang buwan ng Disyembre ng taong kasalukuyan para mapa-improve nito ang kanilang serbisyo.

 

Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbabala si Pangulong Duterte sa mga telcos para makapagbigay ng magandang serbisyo, dahil noong 2016 matapos siyang manalo sa presidential elections ay nagbabala rin ito sa nabanggit na mga kompanya na kung hindi magkakapagbigay ng mabilis na internet connection, ay ang mga foreign investors ang gagawa nito.

 

Pastor ACQ: Sang-ayon sa panawagan ni Pang. Duterte na ayusin ang sistema ng telcos sa bansa

 

ProVen

Sang-ayon si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa panawagan ni Pangulong Duterte sa mga telecommunications company sa bansa na ayusin na ang kanilang sistema sa serbisyong inaalay sa mga Pilipino.

 

“So, ito hindi lang ako ang nagrereklamo kundi ang lahat ng mga Pilipinong nakausap ko. So, ito ay isang magandang hakbang ng ating pamahalaan upang naman ang mga taong nakikinabang sa kanilang mga negosyo laban sa masang Pilipino ay hindi na tayo pahirapan pa kundi magbigay ng totoong serbisyo,” ayon kay Pastor Apollo.

 

Maliban diyan, ayon kay Pastor Quiboloy, napakamahal ng bayad para sa mga internet service sa bansa ngunit hindi naman maganda ang ibinibigay na kapalit na serbisyo sa mga tao.

 

“Makikinabang din tayo dito sapagka’t meron tayong ngayong pandemya kaya walang person-to-person, person na napupunta sa klase, delikado. Kaya, IT ang magagamit. Kung malakas na ang ating signal,ay di lahat ng mga Pilipino kahit nasa pamamahay lang sila, makikinabang dito sa online na pag-aaral,” dagdag ni Pastor Apollo.

 

Dagdag pa rito, ayon kay Pastor Apollo, napakaimportante ng internet sa ngayon para sa new normal ng education system ng bansa.

 

Maliban sa Smart at Globe, inaasahan ngayon ng bansa ang pagpasok ng pangatlong telecom player na Dito Telecommunity Corp. kung saan naka-backed up ang negosyanteng si Dennis Uy, isa sa mga backer ni Pangulong Duterte noong presidential election taong 2016.

 

SMNI NEWS

Tags

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Back to top button
Close