Panawagang sertipikahang urgent ang OFW Department Bill, sinang-ayunan sa Kamara

Panawagang sertipikahang urgent ang OFW Department Bill, sinang-ayunan sa Kamara

IGINIIT ni House Speaker Lord Allan Velasco na napapanahon ang mandato ng pangulo na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas para sa Department of OFW.

Ayon kay Velasco, “very timely” ang hakbang ng pangulo dahil sa dami ng kinakaharap na hamon ngayon ng mga Filipino migrant workers ngayong panahon ng pandemya.

Mainam din aniya ang Department of OFW ayon kay Velasco para maalalayan ang mga makabagong bayani ngayong lubhang apektado ang kabuhayan dahil sa job loss at epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng ibang mga bansa.

“The Department of Labor and Employment has reported that close to 500,000 OFWs have been displaced by the pandemic. Close to 15,000 more are scheduled for repatriation, while over 70,000 remain stranded across the globe, as of October 1, 2020,” ayon kay Velasco.

Marso pa ngayong taon nang maipasa sa Kamara ang House Bill No. 5832 o ang Department of Filipino Overseas Act.

Kaya ayon kay Velasco, nasa Senado na ang bola ngayon na maipasa ang kanilang bersyon ng panukala bilang tugon sa panawagan ng pangulo.

“The House of Representatives has approved on third and final reading its own version of the measure, House Bill No. 5832, or the Department of Filipino Overseas (DFO) Act, last march. Once the Senate passes its own version, we assure President Duterte that the House will act on it in swift fashion so this can be signed into law,” ani Velasco.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *