Duterte sa Amerika
National

Panawagan ni Duterte sa Amerika na makipag-giyera sa China, patama sa kritiko

PATAMA lang umano sa kritiko ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na makipag-giyera kasama ang Pilipinas laban sa China sa bisa ng 1951 US Mutual Defense Treaty.

Ito’y matapos i-invoke ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mutual Defense Treaty ng bansa sa Amerika.

“Article IV. Each party recognizes that an armed attack in the Pacific area on either of the parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in accordance with its constitutional processes,” ayon sa sipi ng 1951 US-Phil Mutual Defense Treaty.

Ayon sa Palasyo, itoy bunsod sa mga sinasabi ng mga kritiko na walang pangil ang pangulo sa mga desisyon nito sa West Philippine Sea.

Sa naging panayam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy na Give Us This Day, sinabi nito na pinayagan niya na mangisda ang China sa pinag-aagawang teritoryo, upang payagan rin umano ng Beijing ang mga Pilipinong mangisda sa inaangkin rin nilang teritoryo.

Bago pa man ang Adminsitrasyong Duterte, inangkin na ng China ang mga isla sa West Philippine Sea kabilang na ang Scarborough Shoal na sakop pa ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Hinamon rin ni Presidential spokesperson Sec. Salvador Panelo ang mga kritiko ng Administrasyong Duterte na makisama sa pamahalaan sa pakikipaglaban sa West Philippine Sea sa oras na may mangyayaring pag-atake at maging operational na ang nasabing treaty.

“He kept on saying that by way of putting into absurdity the criticism by the critics and detractors – and challenging them that in the event of any armed attack and the treaty will be operational, then these critics and detractors which the president has named should go with him in defending the West Philippine Sea,” ayon kay Panelo,

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *