Panahon ng tag-ulan
National

Panahon ng tag-ulan, posibleng ideklara sa susunod na linggo

SA kabila ng nararanasang mga tag-ulan tuwing hapon o gabi sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, hindi pa rin aabot sa ngayon ang mga criteria upang ideklara ang panahon ng tag-ulan.

Ayon sa Pagasa Weather Fore Casting Center, possible ngayong lingo o sa susunod na linggo pa maideklara ang opisyal na pagtatapos ng summer season at pagsisimula ng rainy season.

Sa ngayon, batay sa monitoring ng Pagasa, nasa isa hanggang dalawang bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan ng Hunyo.

Kaugnay nito, puspusan na ang ginagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa papalapit na panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sinabi ni NDDRRMC Spokesperson Edgar Posadas nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa mga local government unit upang ibahagi sa mga mamamayan ang mga kaalaman hinggil sa paghahanda sa mga panahon ng sakuna dulot ng natural calamity.

“Naki-cooperate tayo with our local government unit tingnan natin yung mga paghahanda, yung plano natin kung finished preparedness natin, try to released it, e-emphasize ko lang yung kaalaman ng mamamayan,” pahayag ni Posadas.

Ayon kay Posadas, nakikipagtulungan din sila sa Department of Public Works and Highways upang maipatayo ang mga evacuation centers at emergency operation center sa bawat rehiyon ng bansa.

Maliban dito, nakikipag-ugnayan din sila sa mga communication companies at maging sa radyo at TV upang ipaabot early warning messages sa lahat ng mga mamamayan lalong lalo na sa mga lugar na maybanta ang sama ng panahon.

“When you say facilities nandyan din ang ating bagong NDRRMC na the early  2 years, tapos nagpapagawa tayo ng isa pang bagong building dito sa Camp Aguinaldo ganun din, meron din tayong mga regional effort yung mga Redundancy Emergency Operation Centers natin sa iba’t ibang lugar ito ayon the pipe line na ganun din yung ating  mga evacuation center,” ayon kay Posadas.

“When you say facilities nandyan din ang ating bagong NDRRMC na the early 2 years, tapos nagpapagawa tayo ng isa pang bagong building dito sa Camp Aguinaldo ganun din, meron din tayong mga regional effort yung mga Redundancy Emergency Operation Centers natin sa iba’t ibang lugar ito ayon the pipe line na ganun din yung ating mga evacuation center,” dagdag ni Posadas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *