PBA naghahanda na para masimulan ang season sa ikatlong linggo ng Hulyo

PBA naghahanda na para masimulan ang season sa ikatlong linggo ng Hulyo

PURSIGIDO ang PBA management na masimulan na ang Season 46 Philippine Cup sa ikatlong linggo ng Hulyo kaya nakikipagtulungan ang liga sa MMDA para maisaayos ang lahat ng kakailanganin sa pagbubukas ng season.

Muling nakipagkita si PBA Commissioner Wille Marcial kay MMDA Chairman Benhur Abalos dahil nais nitong maging kaagapay ng liga ang MMDA sa pagpapatupad ng mga patakaran at guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Nangako naman si Abalos na tutulong ang ahensya upang masimulan ang season ngunit kailangan lamang aniyang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng taong gagalaw sa pagbubukas ng liga.

May ilang pagbabago lamang sa taong ito dahil target ng PBA na ganapin ang season sa isang semi-bubble set-up kumpara sa full bubble na ginamit nila noong nakaraang taon.

Sa semi bubble, home-venue-home lamang ang magiging routine ng mga players, coaches, staff at officials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *