Zamboanga City
Regional

Pampublikong paaralan sa Zamboanga City, may libreng school supplies

INAPRUBAHAN na ng Zamboanga City Council nitong Martes sa kanilang regular session ang resolusyong naglalayong makapagbigay ng mga libreng uniporme at school supplies sa mga estudyante ng pampbulikong paaralan.

Ayon kay Councilor Joselito Macrohon, author nang nasabing resolusyon, na ang mga magiging beneficiary ay ang mga enrolled student ng mga lokal na pampublikong elementarya at sekondarya ng Southern Port City.

Dagdag pa ni Macrohon na isa ito sa mga nakikita nilang paraan upang mahikayat ang mga mahihirap na estudyante na bumalik sa pag-aaral.

Pero paglilinaw ng konsehal na nakasalalay pa din sa availability ng pondo ng kanilang bayan ang magiging implementasyon nang nasabing resolusyon.

Sa ngayon ay mayroong 172 public elementary schools at 41 public high schools sa siyudad ng Zamboanga.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *