NBL Youth
Sports

Pampanga at Dasmariñas youths, namayagpag sa NBL Youth Tournament

HUMAKOT ng panalo ang mga koponan mula Pampanga at Dasmariñas sa inaugural season ng National Basketball League Youth o NBL Youth.

Panalo ang Pampanga Junior Delta laban sa Dasmariñas Monarchs sa Under 17 Title category habang wagi ang Dasmariñas Monarchs laban pa rin sa Pampanga Junior Delta sa under 12 Division Title category.

Tinanghal naman sina Ferreras at Ralph Montilla na pareho galing sa koponan ng Dasmariñas Monarchs bilang mga MVP title holders sa under 17 at under 12 categories.

Ang nasabing NBL Youth Tournament ay nagsimula noong nakaraang linggo sa Hagonoy Sports Complex sa Taguig City.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *