Pamilyang Pinoy
National

Pamilyang Pinoy na nagsasabing sila ay mahirap, tumaas

NADAGDAGAN ang bilang ng mga pamilyang Pinoy ang nagsabing mahirap sila sa ikaapat na quarter ng 2019.

Batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 54% o katumbas ng 13.1 milyong pamilya ang ikinukunsidera ang kanilang mga sarili na maralita.

Mas mataas ito ng 12 points mula sa 42% o 10.3 milyong pamilya na naitala noong September 2019 at pinakamataas simula nang maitala ang 55% noong September 2014.

Batay din sa survey, 35% ng mga pamilyang Pinoy ang nagsabing sila ay food-poor kung saan mas mataas ito ng 6 points mula sa 29% na naitala noong September 2019.

Lumalabas sa Self-Rated Poverty Threshold (SRPT) na kailangan ng mga pamilya kada buwan ng P15,000 sa Metro Manila, P13,000 sa balance Luzon, P10,000 sa Visayas at sa Mindanao para hindi maikonsidera ang sarili bilang mahirap.

Ang fourth quarter poll ay isinagawa mula December 13 hanggang 16, 2019 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 Filipino adults.

Korapsyon sa bansa, mas lumala batay sa Global Corruption Index

Mas lumalala ang korapsyon sa pamahalaan ng Pilipinas noong 2019 batay sa Global Corruption Index.

Bumaba ng 14 pwesto at nakakuha ng mababang ranggo ang bansa sa listahan ng Global Corruption Index 2019.

Sa Corruption Perceptions Index (CPI) ng Transparency International para sa taong 2019, nasa ika-133 na ang Pilipinas sa 180 na bansa mula sa ika-99 na pwesto noong 2018.

Tinatayang nakakuha lamang ng score na 34 out of 100 ang Pilipinas, mas mababa ng dalawang puntos kumpara noong 2018.

Batay sa pamantayan, ibinibigay ang score na 0 para sa pinaka-corrupt na bansa habang “100” naman sa pinakamalinis sa kurapsyon.

Itinanghal na pinakamalinis sa kurapsyon ang mga bansang Denmark, New Zealand, Singapore at Australia habang pinaka-corrupt ang Cambodia, North Korea at Afghanistan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *