Pamilya Dacera, ipinauubaya na lamang sa mga abogado ang preliminary investigation ngayong araw

Pamilya Dacera, ipinauubaya na lamang sa mga abogado ang preliminary investigation ngayong araw

IPINAUUBAYA na lang sa mga abogado ng Pamilya Dacera ang isasagawang preliminary investigation na itinakda ngayong araw kasunod sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon ito kay Sharon Dacera ang ina ng biktima sa panayam ng SMNI News.

Ngayong araw ay dumating sa Manila ang Pamilya Dacera mula General Santos City kung saan ginawa ang huling hantungan sa mga labi ng dalaga.

Matatandaan una na ring sinabi ng Department of Justice (DOJ) na napadalhan na ng subpoena ang halos lahat ng mga person of interest sa kaso ni Christine.

Umaasa din ang National Bureau of Investigation (NBI) na lalantad din ang mga respondents sa pagkamatay ng flight attendant.

Nitong Lunes hindi nagpakita sa NBI headquarters ang mga respondents sa halip ay mga abogado lamang nila ang sumipot sa pagtawag ng NBI.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *