itinanghal na 5th runner up
Showbiz

Pambato ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana, itinanghal na 5th runner up

BIGO mang masungkit ang korona ng Reina Hispanoamericana ay nagtapos naman sa ika-limang pwesto ang pambato ng Pilipinas na si Katrina Llegado.

Itinanghal na 5th place ang Pinay Beauty Queen sa dalawampu’t siyam na kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Ang nakasungkit ng titulo ay ang pambato ng Mexico na si Regina Peredo Gutierrez.

Naganap ang coronation night ng naturang kompetisyon sa Bolivia.

Magugunita na noong 2017 nang huling mauwi sa bansa ang Reina Hispanoamerica crown sa pamamagitan ng Actress-Beauty Queen na si Wynwyn Marquez.

 

SMNI NEWS 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *