dumating na
Showbiz

Pambato ng Pilipinas sa Miss U na si Gazini Ganados, dumating na sa Los Angeles

DUMATING na sa Los Angeles ang pambato ng Pilipinas sa 2019 Miss Universe na si Gazini Ganados.

Ayon sa 23-year-old Fil-Palestinian model, mainit siyang tinanggap ng mga kababayang Pinoy sa L.A.

Tutungo naman agad si Ganados sa Atlanta, Georgia kung saan doon mismo ang venue ng 68th Miss Universe na gaganapin sa darating na December 9 (Philippine time).

Patuloy na humihingi ng dasal si Gazini sa mga kababayang Pinoy para sa kaniyang laban na masungkit ang panglimang Miss Universe crown ng Pilipinas na kasalukuyang hawak ng kapwa half Pinay na si Catriona Magnayon Gray.

Samantala, pabonggahan naman ang ilang Miss Universe candidates sa  kani-kanilang national costume para sa preliminary competition sa darating na December 6.

Inilarawan naman ni Ganados bilang “gorgeous” at tila pinakabonggang irarampa ng bansa ang kanyang magiging national costume na may “touch” ng ating pambansang ibon.

Ipinagmalaki na rin nito na aabangan sa big day ang kanyang “phoenix walk” na aniya’y parang lumilipad ang pakiramdam habang nasa Miss Universe stage.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *