bigong masungkit
Showbiz

Pambato ng Pilipinas sa Miss International 2019 na si Atty. Patricia Magtanong, bigong masungkit ang korona

NABIGO ang pambato ng Pilipinas na si Atty. Patricia Magtanong na maiuwi ang korona sa kakatapos lamang na Miss International 2019 na ginanap sa Tokyo Dome Hall sa Japan.

Nagtapos lamang ang Pinay beauty sa top 8.

Sa isinagawang speech competition, tinalakay ni magtanong ang kahalagahan ng women empowerment at gender equality sa kasalukuyang henerasyon.

Itinanghal na Miss International 2019 si Sireethorn Leeramwat mula Thailand.

Nakuha naman ni Miss United Kingdom ang 4th Runner-Up, Miss Colombia 3rd Runner-Up, Miss Uganda 2nd Runner-Up at Miss Mexico naman bilang 1st Runner Up.

 

SMNI NEWS 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *